Tagalog News: Anti-poverty projects sa Masbate pagpapasyahan sa isang inter-barangay forum

LUNGSOD NG MASBATE, Peb 10 (PIA) --  Magkakaroon ng malaking pagtitipon sa isang bayan sa Masbate upang talakayin ang pagtugon  ng administrasyong Aquino sa kahirapan sa kanayunan. 

 

 

 

 

Inaasahang dadalo rito sa bayan ng Mobo ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at barangay officials sa Peb. 15.

 

 

 

Ibinahagi ni Grace Ann Penetrante, ang coordinator ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS sa bayan ng Mobo na ipi-presinta ng mga namumuno sa pamayanan ang mga proyektong hinihiling ng mamamayan.  

 

 

 

Ayon kay Penetrante, pagpapasyahan sa pulong ang mga proyektong uunahing gastusan ng pondo ng KALAHI-CIDSS.  

 

 

 

Bukod dito, magsisilbi din itong pagkakataon na maihayag ng mga ahensya ang kanilang maitutugon sa pangangailangan ng mga mahirap na pamayanan na hindi pa kasama sa KALAHI-CIDSS.

 

 

Inorganisa ng Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ang naturang pagtitipon bilang bahagi ng proseso ng KALAHI-CIDSS.(MAL/EADelgado, PIA Masbate)

Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters