Tagalog News: Kapulisan sa Masbate naglunsad ng proyektong pangkalikasan

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 10 (PIA) -- Ilang taon mula ngayon hindi malayong magmukhang mini-forest ang kampo ng Philipine National Police sa lungsod ng Masbate. 

 

Bilang renewal ng kanilang relasyon sa kalikasan, inilunsad kamakalawa sa Camp Bonny Serrano ang sarili nitong green project sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga unipormadong pulis ng mahigit 100 punongkahoy sa loob ng mahigit isang ektaryang kampo.  

 

Ibinahagi ni PNP Provincial Director Heriberto O. Olitoquit na ang proyekto ang kanilang pakikibahagi sa “Pulis Makakalikasan: 10 Milyong Puno Pamana sa Kinabukasan” na pet project ni PNP Director General Nicanor Bartolome. 

 

Bilang pagtalima, ang bawat pulis sa Masbate ay kailangan na magtanim ng anim na puno kada buwan. 

 

Sa loob ng susunod na labindalawang buwan, kailangang nakapagtanim ang bawat pulis ng pitumpo’t dalawang puno. Tinatayang mahigit 50,000 punongkahoy ang naitanim ng kapulisan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa pagtatapos ng taong 2012.

 

Pinangunahan ni Olitoquit ang pagtatanim sa kampo.

 

Bago ito, nilagdaan ni Olitoquit at ng mga opisyal sa lalawigan ng Department  of Environment and Natural Resources ang isang kasunduan na sila’y magtutulungan sa pagsasagawa ng proyekto.   (MAL/EADelgado, PIA Masbate)  

Tags:   [ Masbate ][ Camp Bonny Serrano ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters