Tagalog news: P35-M preventive maintenance projects natapos na ng DPWH-Sorsogon

By Benilda A. Recebido

Thursday 9th of August 2012
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 9 (PIA) -- Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways-Sorsogon 2 District Engineering Office ang limang preventive maintenance projects nito na pinondohan ng mahigit sa P35 milyon.

Ang mga ito ay ang Gate-Bulan Airport Road na may P4-milyong pondo na naibigay sa Green Zone Construction and Supply; preventive maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Bolos, Irosin, Sorsogon na may pondong P7 milyon; preventive maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Pange, Matnog, Sorsogon na may pondong P6.756 milyon; preventive maintenance sa kahabaan ng Juban-Magallanes Road sa Juban, Sorsogon na may pondong P10 milyon at ang preventive maintenance ng Junction Gubat-Pto Diaz Road sa Cogon at Gubat na may pondong P8.136 milyon.

Ang apat na mga proyektong nabanggit ay naibigay sa Hi-Tone Construction and Development Corp.

Sinabi ni District Engineer Jake Alamar na malaking bahagi ng pondong inilaan sa kanila ngayong taon ay para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga kalsada habang ang ilang bahagi nito ay inilaan para sa preventive maintenance ng mga kalsada.

Bahagi ng mandato ng administrasyon ni Pangulong Aquino ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan ayon sa nakatalagang work program nito.

Mahalaga umano ang pagpapatupad ng preventive maintenance lalo na’t marami na ang mga kalsadang nasisira na ngayon dahil sa katagalan at sa dami ng mga motoristang dumadaan dito at pagkalantad na rin sa mga natural na kalamidad. (HEDeri-DPWH-S2DEO/MAL/BAR/PIA5)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters