Tagalog news: Kapakanan at mga programa sa mga elderly, itinataguyod sa Sorsogon

By Benilda A. Recebido

Monday 25th of June 2012
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 25 (PIA) -- Nagpatawag ng pagpupulong si Provincial Council of Community Elders (PCCE) Chairman Fernando O. Duran Jr. noong nakaraang linggo sa People’s Hall sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Ito ay upang higit na maintindihan ang mga suliranin at isyung kinakaharap at mga balakid sa pagpapatupad ng mga aktibidad para sa mga kasapi ng Municipal Community of the Elders ng Donsol.

Tampok sa pagpupulong ang temang “A Responsive Community Towards the Attainment of a Safe/Peaceful Place to Live, Work, Invest and Do Business.” Pangunahing layunin ng nasabing pulong na matulungan ang komunidad na gawing ligtas, maayos, at mapayapa nang sa gayon ay mas marami pang mga mamumuhunan ang mahikayat na magtayo ng negosyo sa lugar na makakatulong sa kapakanan ng mga masnakatatanda.

Nagbigay ng mensahe si Sorsogon Governor Raul R. Lee kung saan itinuon nito ang kanyang mensahe sa kahalagahan ng isang mapayapang komunidad at kung papaanong mapapalago pa ang industriya ng turismo sa Donsol.

Naroroon din sa aktibidad si PSI Diosdado O. Melitante, OIC ng Donsol Municipal Police Station (MPS) na nagbigay ng pambungad na pananalita at si Donsol Vice Mayor Emeterio Belmonte Jr. na siyang kumatawan kay Mayor Jerome Alcantara.

Naging aktibo naman sa isinagawang workshop ang 51 kalahok na kinabibilangan ng mga kapitan ng barangay sa bayan ng Donsol at mga kasapi ng Provincial at Municipal Council of Community Elders.

Sa workshop hinayaang mailabas ng mga kalahok ang mga suliranin, isyu, at iba pang mga usaping nagiging hadlang o nakatutulong sa pagpapatupad ng mga aktibidad ng Council of Community Elders.

Iprinisinta ng bawat grupo ang resulta ng ginawang workshop na kung saan isinailalim ito sa mga reaksyon at puna ng mga panelista na binuo nina Gov. Lee, Vice Mayor Belmonte, Sorsogon Police Provincial Director PSSupt John Jambora, Municipal Local Government Operation Officer Imelda Gabionza, at Donsol Municipal Council of Community Elders chairman Antonio Arellano. (MAL/BAR/EDP-PIA5,SPPO)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters