Tagalog news: DENR at PENRO abala sa mga aktibidad sa Environment Month

Provincial Eagle Quiz nakatakdang gawin ngayon

By Benilda A. Recebido

Thursday 21st of June 2012
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 21 (PIA) -- Ilang mga aktibidad ang inihanda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), at mga katuwang na organisasyon sa lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng Environment Month ngayong buwan.

Ayon kay DENR Sorsogon forester Anabelle Barquilla, at siyang taga ayos ng mga aktibidad, nakatakdang gawin ngayong araw ang taunang Provincial Eagle Quiz na lalahukan ng mga piling mag-aaral sa elementarya sa umaga at sekondarya naman sa hapon.

Ang mananalo dito ang siyang ilalaban sa Regional Battle of Eagles na gagawin naman sa lalawigan ng Albay.

Sa Hunyo 25 ay ipagdiriwang din ang Arbor Day o Tree Planting Day kung saan nakatakda ring magsagawa ng massive tree planting ang mga tauhan ng DENR, PENRO, at Community ENRO kasabay din ang iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan dito.

Ang pagtatapos ng selebrayon ng Environment Month ay tatampukan naman ng paggawad ng pagkilala sa mga mananalo sa Saringgaya Awards na kinonsepto ng DENR Bicol sa loob ng halos na 12 taon.

Samantala, matatandaang noong nakaraang Hunyo 5, ipinagdiwang ang World Environment Day sa ilalim ng temang, “Green Economy: Does it include you?” na siya na ring ginawang tema para sa selebrasyon ng Environment Month sa buong buwan ng Hunyo ngayong taon.

Sa pagdiriwang ng World Environment Day ay nagsagawa dito ng tree planting activity at pagpapakawala ng isang uri ng wild at endangered animal sa kagubatang sakop ng Energy Development Corporation (EDC) sa Sorsogon.

Inilunsad din ang “Gawad Gobernador sa Kapaligiran,” isang patimpalak para sa mga local government unit sa Sorsogon na may angking kagalingan at natatanging programa sa pagpapatupad ng malinis at berdeng kapaligiran.

Ang pagdiriwang ng Environment Month ay nakapaloob sa Presidential proclamation No. 237 na nilagdaan noong 1988. Layunin nitong pataasin pa ang kaalaman ng publiko ukol sa panganagalaga at pagbibigay-proteksyon sa mga likas na yaman ng kapaligiran. (MAL/BAR-PIA 5, Sorsogon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters