Tagalog News: DILG niliwanag ang polisiya kaugnay sa condonation ng real property tax

By Bennie A. Recebido

Tuesday 28th of February 2012

LUNGSOD NG SORSOGON, Peb. 28 (PIA) -- Matapos ang masusing deliberasyon sa isinagawang joint committee hearing ng Committee on Rules, Privileges and Amendments at ng Committee on Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan, idineklarang hindi maaring ipatupad ang ordinansa sa tax amnesty o condonation of surcharges, interest at penalty sa pagbayad ng real property tax ng mga dilingkwenteng ari-arian.

 

Ito ay matapos rin na ideklarang null and void o walang bisa ng dalawang nabanggit na mga komitiba at ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Sorsogon.

 

Sa pahayag ng DILG, walang kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang kahalintulad na ordinansa alinsunod sa itinatakda ng Section 232 ng Republic Act 7160.

 

Nakapaloob din sa Section 276 ng kaparehong batas na magkakaroon lamang ng condonation o pagbabawas sa real property tax at mga interes nito kung sakaling may mga nasirang pananim dito sanhi ng kalamidad.

 

Dagdag pa ng DILG na ang bayan ng Juban ay isa sa mga component municipality ng lalawigan ng Sorsogon at walang kapangyarihan ang Sangguniang Bayan nito na magpasa ng kahalintulad na ordinansa.

 

Kaugnay nito agad ring pinadalhan ng abiso ang municipal treasurer ng Juban na hindi ito dapat na ipatupad. Maging ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ay inabisuhan ding huwag nang magpasa pa ng mgakahalintulad na ordinansa nang sa gayon ay hindi kakitaan ng pang-aabuso sa kapangayarihan. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Tags:   [     ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters