Tagalog News: Salt Ferlitization palalawakin, produksyon ng niyog patataasin - PCA

By Bennie A. Recebido

Wednesday 22nd of February 2012

LUNGSOD NG SORSOGON, Peb. 22 (PIA) -- Pinalawak ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang programang Salt Fertilization ng ahensya na may layunin pang mapataas ang produksyon ng niyog at maiiwas ito sa mga pesteng maaaring umatake sa bunga ng niyog.

 

Ayon kay PCA provincial director Alejandro Olaguera, mas pinalawak pa nila ang pamamahagi ng asin upang gawing abono sa mga niyog para maibalik ang dating ganda at taas ng ani ng niyog lalo pa’t buo ang suporta ng Department of Agriculture sa kanila.

 

Matatandaang sinabi ni PCA administrator Euclides Forbes sa naging pagbisita niya dito sa Sorsogon kamakailan na may itinalagang P60 milyon ang DA para sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa buong bansa, sakop ang patuloy na rehabilitasyon ng mga puno ng niyog na naaapektuhan ng sakit na “Cadang-Cadang,” malawakang coconut re-planting at intercropping program.

 

Ang “Cadang-cadang” ay isang klase ng peste kung saan ang dahon ng punong niyog ay nagsisimulang magkapatse-patse ng kulay dilaw na kung titingnan sa liwanag ng araw ay tila binabad sa tubig, lumalaki ang mga pesteng ito hanggang lumiit at lumutong ang mga dahon. Dahil dito, hindi na gaanong makapamulaklak ang puno at hindi na makabuo ng niyog. Unti-unting nauubos ang mga dahon, hanggang tuluyan na itong mamatay.

 

Sa pag-aaral ng Pambansang Siyentipiko ng Pilipinas na si Jose R. Velasco, natuklasan nito na ang Cadang-cadang ay sanhi ng abnormal na kundisyon ng lupang nakakalason para sa punong niyog.

 

Subalit sa kabila ng paglabas ng pesteng ito, buo pa rin ang tiwala ni Olaguera na muling sisigla ang produksyon ng niyog sa lalawigan. Aniya, nagsasagawa na ang kanilang tanggapan ng pag-inspeksyon upang matukoy kung may mga puno ng niyog na apektado ng Cadang-Cadang.

 

Mamarkahan nila umano ito at puputulin kung kinakailangan at kung hindi naman ay isasailalim nila sa rehabilitasyon upang maprotektahan at tuluyang mapalago ang produksyon nito lalo pa’t nakatakdang magtayo ng isang coconut water plant sa Sorsogon City. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)

Tags:   [     ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters