Tagalog News: Dredging at re-channeling ng Cadac-an River isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan

By Benilda A. Recebido

Wednesday 8th of February 2012

Lungsod ng Sorsogon, Peb 8 (PIA) -- Baha at pagguho ng lupa (landslide), ito ngayon ang malagim na katotohanan na madalas sapitin ng mga nasa kanayunan kapag mayroong malakas na ulan o lindol. Ito ay sanhi ng pagtaas ng tubig sa mga sapa, ilog, at iba pang daluyan ng tubig. Dahil dito, isinusulong ngayon ni Sangguniang Panlalawigan board member Benito Doma ang paghuhukay at pag iba ng direksyon ng Cadac-an River na matatagpuan sa ikalawang distrito ng Sorsogon partikular sa mga bayan ng Juban at Irosin.

 

Ito ay upang mailigtas ang mga residente sa epektong dala ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga bayan ng Irosin at Juban na sakop ng ilog ng Cadac-an.

 

Dahil sa maaaring sapitin ng mga residente dito, humingi ng tulong si Doma sa Department of Public Works and Highways (DPWH)  para sa dredging at re-channeling ng nasabing ilog.

 

Ayon kay Board Member Doma, dapat itong mabigyan ng kaukulang aksyon lalo na’t mataas ang produksyo ng agrikultura tulad ng mga gulay at palay sa mga apektadong bayan.

 

Karamihan din umano sa mga residente dito ay umaasa sa ani ng kanilang mga pananim kung kaya’t dapat lang na maiiwas ang mga ito sa mga epektong dala ng kalamidad at sa mga pangyayaring maaaring magdulot pa ng dagdag panganib sa buhay at ari-arian ng mga residente.

 

Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin ang iba pang mga hakbang na dapat gawin sa mga residente tulad ng relokasyon sakaling maaprubahan ang kahilingang ito lalo’t hindi lamang tirahan ang dapat isa-alang-alang kundi maging ang kabuhayan ng mga naninirahan sa magihit sampung mga barangay na apektado ng Cadac-an River. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)

 

 

 
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters