Tagalog news: Albay isinusulong ang paggamit ng CCTV para sa seguridad

By Marlon A. Loterte

Wednesday 1st of August 2012
LUNGSOD NG LEGAZPI, Agosto 1 (PIA) -- Ipinasa ng Albay provincial board ang ordinansa nag-aatas sa paglalagay ng closed circuit television (CCTV) cameras bago ang pagbibigay pahintulot at lisensya sa pagnenegosyo.

Ayon sa may-akda ng nasabing ordinansa na si Board Member Richard Venancio Fernando Ziga, ang CCTV monitor ay kailangan sa gitna ng tumataas na kaso ng hold-up, pagnanakaw at iba pang krimen.

Ang certification para sa paglalagay ng CCTV system sa pribadong financial institutions, malalaking commercial establishments at registered terminals (lupa, dagat at himpapawid) na ilalabas ng Office of the Mayor ay gagawing batayan sa pagpapalabas ng business permit o permit to operate bilang karagdagang requirement.

Ang ordinansa ay ipinasa noong Hulyo 10 na nag-aatas ng multang hindi tataas sa P5,000 o pagkakakulong hanggang anim na buwan. Sa susunod na paglalabag ay isasara na ang gusali.

Sakop ng ordinansa ang 15 lalawigan at tatlong lungsod ng Albay. Nauna na ang Legazpi City na naglagay ng CCTV sa nasasakupan nitong lugar. (MAL/SAA-PIA5/Albay)



Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters