Tagalog news: Kumperensya sa turismo at pagbabago ng klima gaganapin sa Agosto

By Marlon A. Loterte

Thursday 12th of July 2012
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 12 (PIA) -- Gaganapin ang Philippine Tourism Conference on Climate Change Adaptation (PTCCCA) sa Agusto 23-25. Ito ay inoorganisa ng Local Climate Change Adaptation for Development Inc. (LCCAD), isang non-government organization (NGO) na kinilala ng Palasyo Malacañang at binubuo ng Community Adaptation Practitioners (CAPs).

Nakatuon ngayon sa industriya ng turismo ang kampanya sa Climate Change Adaptation matapos ang serye ng mga aktibidad kaugnay ng pagsasagawa ng Climate Change Adaptation mainstreaming na itinataguyod sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Ang mga ahensyang nangunguna dito ay ang Climate Change Commission, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism at Presidential Communication Operation Office.

Kasama rin ang mga nangunguna sa public awareness monitoring ng mga LGU at mga ahensiya pati na rin mga NGO/stakeholder sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto sa Climate Change alinsunod na rin sa mga pangunahing polisiya ni PNoy.

Ang kumperensya ay kasagutan sa panawagan ng United Nations at Pangulong Aquino na mabawasan ang kahirapan, na isa ring layunin ng Millenium Development Goals (MDG) gayundin sa pagpapaigting ng magandang dulot ng Turismo sa local at nasyonal na kalagayan ng ekonomiya.

Ang mga makikinabang sa PTCCA ay mga mamamayan sa sektor ng turismo sa iba’t-ibang probinsiya, lungsod at lalawigan sa buong bansa sa larangan ng Climate Change Adaptation at Climate Change Risks Management Initiaitves.

Upang maipakita ang malawak at matibay na suporta sa LCCAD, ipinalabas ni DILG Secretary Jesse Robredo ang memorandum circular 2012-108 nitong HUnyo 18 gayundin ang kautusan sa mga lokal na opisyal sa lahat ng probinsiya, lungsod at munisipyo sa Pilipinas na dumalo at magpadala ng mga tauhan sa gaganapin na tatlong araw na pagtitipon. Ang PTCCCA ay katambal ng pagdiriwang ng Ibalong Festival ng lungsod ng Legazpi sa pangunguna ni City Mayor Geraldine Barrameda-Rosal.

Binuo nng LCCAD at mga co-convenors anng nasabing proyekto bilanng suporta sa panawagan ng Presidente na paigtingin ang public-private partnership initiatives (PPPIs) na isinusulong sa pambansa at lokal na antas upang mabigyan ng malawak na partisipasyon ang mga pribadong sector na makatulong sa mga ninanais nng pamahalaan patungo sa pag-unlad ngn turismo.

Partikular na naatasan na dumalo ang mga nangunguna sa tourism at environment committee sa bawat konseho, kasabay ang mga tourism officer, planning officer, disaster officer, agriculture officer, environment officer at iba pang technical staff nng bawat probinsiya, lungsod at munisipyo.

Nagpahayag si Robredo ng malaking suporta sa PTCCCA na pinangungunahan ng Climate Change Commission, Department of Tourism at Local Climate Change Adaptation for Development o (LCCAD), na pinapangenotan ni LCCAD Chairman/President Nong C. Rangasa. Si Rangasa ay siya ring Conference Director sa nasambit na okasyon.

Ayon kay LCCAD president/chairman, Nong Rangasa at DOT regional Director Nini Ong-Ravanilla, ang pagpapaigting sa Climate Change Adaptation sa ‘Eco-Cultural Tourism Sector, ay magbibigay ng permanenteng trabaho sa mga tao at buwis sa kaban ng pamahalaan.

Ayon pa kay Rangasa, kailangan magkaroon ang Pilipinas maging ang mga lokalidad nng imbentaryo ng ‘cultural property, heritage asin impact assessment’ upang lalong mapatunayan at makadala ng mga turista galing sa iba-ibang probinsiya at bansa. Ito ay isang bagay na hindi pa nagagawa saan mang bahagi ng Pilipinas.

Tampok sa nasabing pagtitipon ang mga hakbangin sa adaptation at ligtas na pagharap sa mga kalamidad ayon sa karanasan ng Albay sa pangunguna ni Gov. Joey Sarte Salceda, ang pinakaunang Global Champion for Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction na iginawad ng United Nations Systems.

Si Salceda rin ang nagsusulong ng ALMASOR o Albay- Masbate-Sorsogon Tourism Alliance.

Ang mga pangunahing tagapagsalita sa nasabing oaksyon ay mga siyentipiko, eksperto, edukador, at mga kilalang opisyales pangturismo sa bansa. Imbitado rin ang mga senador gayundin mga cabinet secretaries. (MAL/SAA-PIA5/Albay)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters