Tagalog news: Reporma sa GSIS, nagpapatuloy para sa maayos na serbisyo sa mga miyembro
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 5 (PIA) -- Umaabot na sa 80 porsiyento ang nakakamit sa kabuuan ng computerization program ng Government Service Insurance System o GSIS sa buong bansa.
Ayon kay Karina Constantino David, miyembro ng GSIS Board of Trustees, sa kanyang pagdalo sa Regional Consultative Dialogue with Public Sector Unions sa buong Bicol, ang natitirang 20 porsiyento ay maisasakatuparan na rin hanggang sa katapusan ng taon.
Kanyang binanggit na makalipas ang anim na buwan, sa oras na makompleto ang computerization program, ang tala ng bawat isang miyembro ay tugma na rin sa tala ng kanilang tanggapan kumpara sa online records.
Samantalang ukol sa pagproseso ng mga loan applications mula sa dating tatlong araw, kapag makumpleto na umano ang lahat na reporma, aabot na lang ito sa 12 oras o kahit walong oras.
Binanggit din nito ang ilang mga reporma kagaya nang mga pensioner na hindi kailangang pumunta pa sa tanggapan ng GSIS tuwing kaarawan nito para makumpirma na ito ay buhay pa.
Ukol naman sa survivorship claims, lahat ng tinanggalan nito noong taong 2009 ito ay ibinalik ng kanilang tanggapan.
Samantalang noong nakalipas na mga panahon, ang isang kawani ng pamahalaan na magreretiro ay walang benepisyong natatanggap dahil sa dami ng kanyang utang. Aniya na bigyan na rin ito ng solusyon.
Ayon kay David, layunin nitong makumpleto ang kabuuang reporma ng GSIS sa loob ng anim na taon.
Aniya sa kanilang pag upo sa loob ng isa at kalahating taon ay naisakatuparan ang lagpas 30 porsiyento sa kabuuang tinatayang mga reporma.
Sinabi rin ni David, ang kasalukuyang operational expenses ay naibaba sa 4.8 porsiyento mula sa mahigit na 6 porsiyento noong nakalipas na administrasyon mula sa ceiling na 12 porsiyento.
Dagdag pa ng opisyal, sa buwan ng Hunyo ngayong taon, target na maging operational ang GSIS Call Centers. Ang operasyon nito ay 24/7 at 50 katao ang itatalaga dito. Ang mga tawag sa mga call centers na tatanggapin ay lahat local calls.
Samantalang ang kabuuang assests ng GSIS ay kasalukuyang nasa P650 bilyon. Ang actuarian life nito ay sa loob ng 45 taon simula ngayon.
Sinabi rin ni David, maayos ang mga investments at properties na binibili ng GSIS, habang well represented mula sa iba't ibang sector ang board of trustees nito. (MAL/NIMediavillo-RNB-PIA5 Albay)
Number of Comments: 0