Tagalog News: Mahigit 2-M mag-aaral sa Bicol balik-eskwela ngayon

By Marlon A. Loterte

Monday 4th of June 2012
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 4 (PIA) -- Mahigit dalawang milyong mag-aaral sa rehiyong Bicol ang nagbabalik-eskwela ngayon, kung saan mahigit 200,000 ang sa kindergarten, 1.5 milyon ang sa elementarya, at halos 400,000 ang sa sekondarya, ayon sa Department of Education o DepEd regional office dito.

Ayon kay Dr. Jose Bonto, DepEd Bicol Administrative Officer, tumaas ng dalawang porsiyento ang bilang ng mga nag-enrol sa pampublikong paaralan na pang elementarya at sekondarya bunsod ng pagtaas ng tuition fees sa mga pampribadong paaralan.

Wika pa ni Bonto ang polisiya ukol sa pagbibigay ng libreng basic education ay nakasaad sa konsitusyon.

Samantala, ayon kay DepEd Bicol Elementary Division head Dr. Regina Vibar ang average teacher-pupil ratio dito ay 1:40 at 1:60 para sa malalaking paaralan. Ang text book-pupil ratio para sa grade I ay 1:1 at 1:2 mula grade II hanggang VI.

Dagdag pa ni Vibar, ang Bicol ay tumaas ng tatlong ranggo sa National Achievement Test (NAT) ng nakaraang taon. Ang Bicol ay nakakuha ng 62 porsiyentong rating at ikawalo sa lahat ng rehiyon. Naniniwala si Vibar na sa tulong ng buong sambayanan ay maaabot ang 75 porsiyentong target rating ngayong taon.

Kasabay sa pagbukas ng klase, pinaalalahanan ni Bonto ang mga guro na palagiang ngumiti bilang ikalawang magulang ng mga mag-aaral.

Dagdag pa ni Bonto, “kinakailangan ang isang sambayanan upang maturuan ang isang bata.” (MAL/SAA-PIA 5, Albay)
Tags:   [ DepEd ][ balik-eskwela ][ mag-aaral ][ NAT ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters