Tagalog news: DTI ninanais na maitaas pa ang antas ng kalakalan at mga industriya sa Albay

LUNGSOD NG LEGAZPI, Pebrero 25 (PIA) -- Itinataguyod ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na pabutihin pa ang kalakalan, industriya at programang pangkabuhayan sa Albay at  maging world-class ang mga produkto ng lalawigan.

 

Ipinaliwanag ni Butch Castro, technical staff ng DTI Albay provincial office, na ang planong pagpapahusay nito ay nahahati sa apat na bahagi kabilang na ang pagpapahusay sa kalidad ng mga produkto, kung saan sila ay kumukonsulta pa sa mga ekspertong designers mula sa Manila upang makagawa ng mga dekalidad na produkto. 

 

Ikalawa ay ang pagsasagawa ng mga trade fares, iniuugnay nila ang mga negosyante sa mga mamimili at gumagawa ng accounting system.

 

Ikatlo ay ang pag-oorganisa at pagtuturo ng good housekeeping. 

 

At panghuli, ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa kalakalan ng mga produkto.

 

Sila ay nagbebenta ng mga produkto online, kung saan napapadali raw ang transaksiyon.

 

Gumagamit sila ng organic due at iba pang eco-friendly materials sa paggawa ng mga produkto, na makabubuti sa kapaligiran at gumagamit nito.

 

Samantala, plano ng DTI na magsagawa ng Caravan SMEs o Small Medium Enterprises sa susunod na mga buwan. (MAL/CML, PIA V/ALbay)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters