Tagalog news: Pagpasok at pag-uwi ng kawani ng kapitolyo, ipamo-monitor na

By Luis T. Cueto

Thursday 9th of August 2012
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Agosto 9 (PIA) -- Upang masiguro na walang kawani ng kapitolyo ang nandaraya sa oras ng trabaho ay ipinamo-monitor na ang pagpasok at paglabas nila sa opisina.

Sa regular na pagpupulong ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. sa mga hepe ng iba’t ibang tanggapan sa kapitolyo, inatasan niya ang Human Resource and Management Office na i-monitor ang mga empleyado na nagiging gawi na ang pag-i-in, magpapakita lang sa kani-kanilang tanggapan at aalis kahit walang opisyal na lakad.

Ayon sa report mula sa Provincial Information Office (PIO), pinag-aaralan na ng pamunuan ng kapitolyo ang mga karampatang disciplinary action na ipapataw sa sino mang mahuhuli na gumagawa ng nasabing pandaraya.

Ang ganitong gawain ay bahagi pa rin ng hinahangad na pagbabago ng administrasyong Umali sapagkat aniya, ang mga empleyado ay itinuturing na lingkod-bayan na siyang dapat na manguna sa pagkakaroon ng maayos at bukas na pamamahala. (PIO/LBR/LTC-PIA 4B, OrMin)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters