Tagalog news: Mini-Dam sa OrMin, pinasinayaan

By Luis T. Cueto

Saturday 4th of August 2012
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Agosto 4 (PIA) -- Pinasinayaan kamakailan ni Governor Alfonso V. Umali, Jr. ang isang mini-dam sa Barangay San Luis, bayan ng Naujan.

Ito ang proyektong tinawag na Wing-wang Mini Dam na magsisilbing imbakan ng tubig kapag umuulan nang malakas. Ang naiimbak na tubig sa nasabing dam ay magsisilbing patubig sa mga palayan kapag panahon ng tag-init.

Pinangunahan nina Umali at Naujan Mayor Angie Casubuan ang pormal na pagpapasinaya nito kasama si Kapitan Ephraim Rigor ng nabanggit na barangay. (LBR/LTC-PIA4B Oriental Mindoro)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters