Tagalog news: Mga kaso ng pagnananakaw, ilegal na gawain, tinututukan ng PNP

By Luis T. Cueto

Thursday 2nd of August 2012
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Agosto 2 (PIA) -- Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Oriental Mindoro ang mga naiulat na nakawan sa iba’t ibang barangay gayundin ang iba pang iligal na gawain sa lalawigan.

Sa isang pagpupulong kamakailan, ipinahayag ni PNP Provincial Director Anthony Alcanises Alcanises ang mga iligal na gawaing tinututukan ngayon ng kaniyang tanggapan. Kabilang dito ang nakawan, droga, pagpapaputok ng baril nang walang dahilan, at iba pang gawaing katulad nito.

May karapatan ang sinumang sibilyan na mai-blotter kaagad sa police station ang isang insidente tulad ng nakawan ani Alcanises.

Ipinaliwanag din niyang kapag menor de edad ang nahuling nagnanakaw maaari itong dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mayroon din aniya silang tinatawag na “barangay tutok system” para naman sa operasyon ng iligal na droga.

Sa mga susunod na araw, isiniguro rin ni Alcanises na maglulunsad sila ng isang programang malaki ang maiaambag sa paglutas ng mga “riding in tandem shooting incident” sa lalawigan ng Oriental Mindoro. (PIO/LTC-PIA 4B)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters