Tagalog news: Bayan ng Quezon, napiling pilot area sa feeding program ng FNRI-DOST

By Orlan C. Jabagat

Tuesday 11th of September 2012
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Set 11 (PIA) -- Napili ang bayan ng Quezon bilang pilot area sa lalawigan para sa complementary at supplementary feeding na proyekto ng Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST) sa buong Pilipinas.

Paliwanag ng FNRI, base sa resulta ng Operation Timbang (OPT) noong 2011 mula sa mga batang may edad 0-71 na buwan, mas mataas ang porsyento ng malnutrition prevalence rate (MPR) ng Quezon na 16.46 porsyento kumpara sa kabuuang porsyento na naitala ng buong lalawigan na 14 porsyento.

Layon ng proyektong ito na maisakatuparan, masuri at masustini ang isang nutrition intervention strategy upang maitaas ang nutritional status ng mga bata at mga buntis na ina. Ito ay ipapatupad sa 50 bata na may edad na 6-35 buwang gulang at sa 30 mga ina na nagdadalang-tao sa naturang bayan.

Kaugnay nito ay nakipagpulong kamakailan ang ilang kawani ng FNRI kasama ang Provincial Nutrition Office (PNO) sa pangunguna ni Provincial Nutrition Action Officer Rachel Paladan sa mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee ng bayan ng Quezon upang mai-presenta ang proyekto at mapag-usapan ang mga rekomendasyon gayundin ang mahiling ang kanilang suporta para sa pagsasakatuparan ng naturang proyekto.

Inaasahang magsisimula sa Oktubre ang supplementary at complementary feeding sa naturang bayan. (PIO/OCJ/TBO-PIA4B Palawan)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters