Tagalog News: Kilusan Ligtas Malaria isasagawa ang pagsasanay ng Palawan rural staff
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Hunyo 4 (PIA) -- Isasawaga ng Kilusan Ligtas Malaria (KLM) ang pagsasanay hinggil sa Basic Malaria Management for rural staff sa Hunyo 5-7, sa A&A Plaza Hotel sa lungsod.
Ang gawaing ito ay bilang pagpapalakas ng pamahalaang panlalawigan sa kampanya nito na masugpo ang sakit na malaria sa lalawigan.
Ayon kay Aileen Balderian, program manager ng KLM, inaasahang dadaluhan ito ng humigit-kumulang 70 partisipante mula sa iba’t-ibang munisipyo. Ito ay pangangasiwaan ng ACT Malaria, isang non-government organization na nakatuon sa mga pagsasanay ng may kaugnayan sa tamang pangangasiwa ng sakit na malaria.
Ilan sa mga ituturo sa mga rural staff ay ang pagtukoy ng malaria outbreak sa isang lugar, ano ang mga pamamaraan sa paggamot nito, at ang pag-aasikaso sa malaria outbreak. (TBO/PIO/OCJ-PIA 4B, Palawan)
Number of Comments: 0