Tagalog news: Palawan disaster council naghahanda na para sa tag-ulan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Mayo 19 (PIA) -- Bilang maagang paghahanda sa tag-ulan, kasalukyang nagkakabit ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng mga Flood Early Warning System (FEWS) at ang geo-tagging sa mga bahaing lugar sa Palawan.

Ito ang tinuran kamakailan ni Atty. Winston Gonzalez, PDRRMO Chief sa isang pagpupulong ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Officers ng Palawan.

Aniya, nailagay na ang mga early warning device sa bahaing lugar sa bayan ng Narra at maglalagay pa sila ng karagdagang 20 kahalintulad nito sa iba pang mababang lugar na malimit bahain.

Ang FEWS ay magbibigay ng babala sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng unang sirena bilang hudyat na dapat nang maghanda sa paglikas at kung marinig ang pangalawang sirena ay dapat nang lumikas ang mga ito.

Patuloy din ang pagsasagawa ng kanilang tanggapan ng geo-tagging, isang pamamaraan upang matukoy ang mga lugar na may posibilidad na bahain. Sa paraang ito ay matutukoy ang mga lugar na puwedeng bahain, tukuyin ang mga maaaring gawing evacuation center at maayos ang ruta na mga dadaanan sa panahon ng kalamidad.

Naiposisyon na rin ang ilang gamit para sa rescue at evacuation tulad ng mga bangka sa mga lugar na maaaring magkabaha. Nakahanda rin ang mga katuwang na ahensiya mula sa Sandatahang Lakas. Bukod rito, magkakaroon din ang PDRRMO ng karagdagang trak at sasakyang gagamitin sa paglikas ng mga apektado ng kalamidad tulad ng baha.

Kasabay ng paghahanda sa tag-ulan ay ang gagawing pamamahagi ng mga anti-dengue solution upang panlaban sa lamok na may dala ng dengue. Binabalak ng PDRRMO na isabay ang pamamahagi ng anti-dengue solution sa Brigada Eskwela ng Deptartment of Education. (LBR/VSM-PIA4B Palawan)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters