Tagalog News: Supplemental annual investment plan, aprubado sa Batangas
BATANGAS CITY,Mayo 5 (PIA) -- Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Supplemental Annual Investment Plan No. 1 for 2012 ng Batangas City na may budget na P223.4 million.
Bukod sa mga maintenance and operating expenditures ng mga departamento ng pamahalaang lungsod, nakapaloob din sa naturang budget ang mga gastusin sa iba’t ibang pagawaing bayan kung saan ang isa rito ay ang repair and improvement ng City Materials Recovery Facility Building sa San Jose Sico sa halagang P3.9 million.
Kabilang din dito ang P8.5 million budget para sa National Health Insurance Indigent Program; P18 million para sa mga cultural activities; P5 million para sa computerization program sa City Treasurer’s at City Assessor’s Offices, P4.7 million para sa Colegio ng Lungsod ng Batangas at iba pa.
Naglaan din ng P1.4 million para sa karagdagang clothing allowance na P1000 para sa mga regular employee ng pamahalaaang lungsod alinsunod sa Budget Circular No. 2012 noong February 23, 2012 buhat sa Department of Budget and Management, kung saan isa ang Batangas City sa mga local government units na agad tumalima.
Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, nakapaloob sa nasabing investment plan ang mga proyekto ng lungsod sa ilalim ng 20 porsyento ng development Funds at naaayon din sa mga layunin ng 10-Year Development Plan. (Angela Banuelos-PIO Bats City/PIA Batangas)
Number of Comments: 0