Tagalog News: San Jose District Hospital nanguna sa pagtayo ng sewerage treatment plant

BATANGAS CITY, Mayo 4 (PIA) -- Nanguna ang San Jose District Hospital sa pagtatatag kamakailan ng sewerage treatment plant (STP) na siyang pinag-aralan at pinagtibay ng bumubuo ng pamahalaang panlalawigan.

Ang hakbang ay agarang pagtupad sa itinakda ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ng pagkakaroon ng wastewater facility sa apat na pagamutan sa buong lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Dr. Reynaldo C. Ozaeta, ang paglalagay ng maayos na wastewater facility ay malaki ang maitutulong sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran na hindi magiging sanhi ng anumang sakit sa mamamayan.

Ang STP ay isang proseso ng pagtatanggal ng contaminants sa wastewater upang hindi ito makapaminsala sa oras na lumabas ito sa kanal. Layunin ng STP na magkaroon ng isang environmentally-safe fluid waste stream at ng solid waste na maaari sa disposal o reuse bilang pataba sa lupa.

Sa kasalukuyan ay inaayos na din ang paglalagay ng STP sa tatlo pang district hospitals sa probinsya, sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, Lipa City District Hospital sa Lipa at Batangas Provincial Hospital sa Lemery. (Kristina Marie Joy B. Andal, PIO-Batangas/PIA 4A, Batangas)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters