Tagalog news: BFP pinangunahan ang earthquake at fire drill sa BSU

By Mamerta P. De Castro

Saturday 24th of March 2012
BATANGAS CITY, Marso 24 (PIA) -- Nanguna ang Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pagsasagawa ng fire at earthquake drill sa Batangas State University (BSU) kamakailan.

Ayon kay Prof. Romeo C. De Castro, director for external affairs ng BSU, importante sa kanila ang ganitong drill upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante at empleyado.

Sinabi ni De Castro na bukas sila sa mga suhestyon na dapat nilang gawin kung sakaling may mangyaring lindol o sunog.

Ayon naman kay FO1 Carlo Castro, ng BFP-Batangas city, napapanahon ang nasabing fire/earthquake drill dahil 'Fire Prevention Month' ngayong Marso. Itinuro ni Castro ang tamang paggamit at pagpatay ng LPG tank at ang panggamit ng fire extinguisher kung sakaling magkaroon ng biglaan sunog.

Nagkaroon din ng senaryo na ang isang biktima ay na trap sa ika-apat na bahagi ng building kung saan iniligtas ito ng mga rescuer sa pamamagitan ng lubid at spine board na kung tawagin ay singaporian belay at victim under rescue o roof rescue.

Ayon naman sa medical team ng BSU, malaking bagay sa kanila ang kanilang na obserbahan sa naturang drill lalo na sa mga estudyante na maari nilang makatulong sa mga rescue.(Liza delos Reyes-PIO Batangas City/PIA-Batangas)


Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters