Tagalog news: 1,320 benepisyaryo ng 4Ps sa San Pablo, nakuha na ang kanilang ATM card

By Alan C. Ortillano

Thursday 2nd of August 2012
LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Agosto 2 (PIA) -- May 1,320 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lungsod ang tumanggap ng kanilang automated teller machine (ATM) cash cards noong Hulyo 21.

Pinamunuan ni City Admin. Loreto Amante at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama sina Primo Brion, LGU Link, Benjamin Romero, Karmela Mandrique, at Shena Grace Pichuela, mga miyembro ng City Link, Angie Barte, Land Bank San Pablo City branch manager ang pagbibigay ng naturang card sa isang maikling programa na ginanap sa One-Stop Center, lungsod na ito.

Ayon kay Amante, ito ay pangalawa nang pagbibigay ng cash card na nauna nang nakapagbigay ng 387 cash card noong Abril 14. Ang mga nasabing ATM card ay agad ng magagamit para sa pay-out ng Agosto at Setyembre.

Lubos ang pasasalamat ni Amante sa pamunuan ng Land Bank sapagkat hindi mahihirapang pumunta sa munisipyo at pumila pa para sa kanilang financial assistance. “Anumang oras na kailangan nila ang pera ay pupunta lamang sila sa Land Bank para magwithdraw,” ayon kay Amante.

Ayon naman sa OSWD, sa kabuuang 2,455 na rehistrado at aktibong benepisyaryo, ay may natitira na lamang na 748 na bibigyan pa ng ATM card. Maaari pang madagdagan ang mga benepisyaryo ng 4Ps para sa kabuuang 3,097 target na benepisyaryo.

Ayon pa rin kay Amante, maaaring gawing model city ang lungsod sa buong bansa para sa pangunguna at sa magandang pagpapatupad ng nasabing programa.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang programa ng pamahalaang nasyonal na direktang pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ng Department of Health; Department of Education; Department of the Interior and Local Government ; National Anti-Poverty Commission (NAPC); at ng Land Bank na nagbibigay ng conditional cash grants sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilya upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng miyembro nito partikular na ang mga bata na may edad 0-14. (ACO-PIA 4A, Laguna at ulat mula sa CIO-SPC)







Original:

SAN PABLO CITY, Laguna, Agosto 2 (PIA) --May 1,320 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lunsod ang tumanggap na ng kanilang automated teller machine (ATM) cash cards noong Hulyo 21, 2012.

Pinamunuan ni City Admin. Loreto Amante at ng Department of Social Welfare Development (DSWD), kasama sina Primo Brion, LGU Link, Benjamin Romero, Karmela Mandrique at Shena Grace Pichuela, mga miyembro ng City Link, Angie Barte, Land Bank San Pablo City branch manager ang pagbibigay ng naturang card sa isang maikling programa na ginanap sa One Stop Center, lunsod na ito.

Ayon kay Administrador Amante, ito ay pangalawa nang pagbibigay ng cash card kung saan nauna nang nakapagbigay ng 387 cash cards noong Abril 14. Ang mga nasabing ATM cash card ay agad nang magagamit para sa pay-out ng Agosto at Setyembre.

Lubos ang pasasalamat ni Amante sa pamunuan ng Land Bank sapagkat hindi na mahihirapang pumunta sa City Hall at pumila pa para sa kanilang financial assistance. “Anumang oras na kailangan nila ang pera ay pupunta lamang sila sa Land Bank para magwithdraw,” ayon kay Amante.

Ayon naman sa OSWD sa kabuuang 2,455 registered at active beneficiaries ay may natitira na lamang 748 na bibigyan pa ng ATM cash card. At maaari pang madagdagan ang mga beneficiaries ng 4Ps para sa kabuuang 3,097 target beneficiaries.

Ayon pa rin kay Administrador. maaaring gawing model city ang lunsod sa buong bansa para sa pangunguna at sa magandang pagpaApatupad ng nasabing programa.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang programa ng pamahalaang nasyonal na direktang pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH); Department of Education; Department of the Interior and Local Government; National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ng Landbank na nagbibigay ng conditional cash grants sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilya upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng miyembro nito partikular na ang mga bata na may edad 0 - 14. (Alan C. Ortillano, PIA-Laguna atulat mula sa CIO-SPC)

Tags:   [ 4Ps ATM cash card ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters