Tagalog News: Laguna, pangunahing lugar na puntahan, tirhan, at pangalakalan

STA CRUZ, Laguna, Abril 25 (PIA) -- Ang Laguna - “Resort Capital,” ”Detroit,” at “Silicon Valley” ng Pilipinas - ay kinikilala at itinataguyod bilang pangunahing pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista at mamumuhunan sa pagdiriwang ng ikalawang La Laguna Festival – the Festival of Life! na naghahayag sa buong mundo ng tema para sa taong 2012, “Uno Progreso… Una sa Saya, Buhay Laguna!”

Pagkatapos ng isang matagumpay na paglulunsad ng kaunang-unahang La Laguna Festival noong 2011, ito ang siyang tinanghal bilang Best Festival Event of the Year 2011 sa Provincial Category, isang parangal na iginawad ng Department of Tourism (DOT) at Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) sa Roxas City, Capiz noong Oktubre 5, 2011.

Bilang isang pagdiriwang na binuo ng Presidential Lingkod Bayan Awardee, Gob. Jeorge “E.R.” Ejercito Estregan, itinataguyod ng La Laguna ang kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanumbalik ng dating linis at ganda ng Lawa ng Laguna o Laguna de Bay, ang isa sa pinakamalaking “inland lake” sa Pilipinas, ikatlong pinakamalaking lawa sa Asya at isa sa “18 Living Lakes of the World.” Ang lawang ito ang siyang pinagmumulan ng buhay at ikinabubuhay ng mga Laguneño at iba pang bayang nakapaligid sa Lawa.

Ang La Laguna ay mga salitang Español na ang ibig sabihin ay “The Lagoon” sa Ingles, na siyang kumakatawan sa Lawa ng Laguna bilang ikatlo sa pinakamalaking nabubuhay na lawa sa buong Asya. Ang Español na pantukoy na “la” (the) ay nagdiriin sa kahalagahan ng Laguna bilang isang tunay na “traveler's paradise” at ang pagsusulong sa Laguna bilang isang kanlungan ng pamumuhunan at pangangalakal. Kasuwato naman ito ng K2 Kinse Kumpleto Serbisyo Publiko Kontra Kahirapan at Gutom, na programa ng Gobernador para sa kanyang slogan na “Bagong Laguna- Una sa Lahat!”

Sa ordinaryong pananalita, ang “lalaguna” (lalago na), ay nangangahulugan ng mabilis na paglaki, pagsulong at pag-unlad ng Laguna na nabiyayaan ng kalikasan ng yaman na nananatili sa kabila ng paglipas ng maraming taon.

Ang La Laguna Festival, na ipagdiriwang sa loob ng sampung araw, ay may 63 aktibidad at programang panturismo, pangkultura, pansining at pangkalakalan ay nauugnay sa bawat pitak ng buhay ng mga Laguneno. Pinasisigla ng La Laguna ang saloobin ng bawat Laguneño at bawat Pilipino at ang kanilang pagmamahal sa buhay sa pamamagitan ng pagsasaya at pasasalamat, at ang pagbibigay ng kaukulang pagpapahalaga sa Lawa ng Laguna.

Hindi lamang pagbibigay kasiyahan ang layunin ng La Laguna. Mithiin din nito na maging isang daan para sa mga mamamayan ng Laguna upang sila ay magsama-sama at magkaisa; upang maging mga aktibong kalahok sa sampung araw na pagdiriwang na ito dahil sa turismo at mga oportunidad na pagpapaunlad ng ekonomiya, bilang karagdagan sa mga benepisyong pang edukasyon, pananampalataya, at socio-cultural.

Ang La Laguna Festival ay isang pagpapahayag ng paninindigan ng mga Laguneño na ang Laguna ay maging isa sa mga pinakamainam na lugar upang bisitahin, pamuhunanan at tirhan. Nakalikha ito ng isang tanawin na nagpapakita kung ano talaga ang kahulugan ng isang festival – ito ay tungkol sa mga mamamayan na nagsasama-sama, nagkakasiyahan, at sumusubok salihan hindi lamang ang iba’t-ibang uri ng mga tradisyonal na palaro, kundi maging mga bago at kapana-panabik na paligsahan; upang maibahagi at masiyahan sa mga aktibidad na tanging ang La Laguna lamang ang makapagdudulot hindi lamang sa kani-kanila kundi maging sa pinakamaraming bisita mula sa iba’t-ibang lalawigan at lungsod.

Ngayong taon ay may idinagdag na lima pang mga paligsahan upang lahat ng sector ng lipunan ay makabahagi sa pagdiriwang: ang Paralympics na isang paligsahan ng mga kababayan nating may kapansanan; ang 3D Street Art Painting na bukas sa lahat ng mahilig sa pagpinta; ang New Wave Film Fest, isang uri ng paggawa ng maikling pelikula na maaaring salihan ng mga estudyante mula sa high school at college; ang Photo Contest na bukas sa lahat ng mahilig sa potograpiya; Takbo para sa Lawa ng Laguna (Laguna Lake Fun Run) at ang La Laguna Idol, isang paligsahan sa pag-awit na itinulad sa American Idol.

Ang mga maliliit, karaniwan at malalaking mangangalakal ay magkakaroon ng magandang pagkakataon na makapagbenta ng kanilang mga produkto at serbisyo sa panahon ng La Laguna. Ang mga pwesto ng mga maglalako ay maayos na nakapwesto sa paligid ng Festival Grounds upang tiyakin na sila ay kikita ng malaki at makaakit ng mga mamumuhunan. Kasabay nito, sila rin naman ay masisiyahan sa panonood ng mga makukulay na palabas at paligsahan.

Tuloy po kayo sa Ikalawang La Laguna Festival- the Festival of Life! Halina kayo at masiyahan sa kaiga-igayang buhay sa Laguna sa pamamagitan ng mga masigla, kapana-panabik at makulay na mga pagtatanghal tulad ng Fluvial, Land Float, and Dragon Dance Parades, Dragon Boat and Banca Race, Talentadong Laguneño, Street Dancing, Cultural Night, Carnival Queen Mardi Gras Party, Flora and Fauna Farms, Trade Fair, Landscape Competition, Brass Band Competition, Cook Fests and Bartending, Dance Revolution, Pyro-musical Display and Competition, Little Mr. and Ms. Laguna, Senior Citizen Mr. and Ms. Laguna, Film Showing of “Manila Kingpin” The Asiong Salonga Story, Birds and Wildlife Exhibit, Dog Show, Body Building Competition, Palarong Pinoy, Artisan’s Village, Open Jam, Calisthenics, Body Painting Competition, Biggest “Nilupak Mashed Cassava”, Grand Sagala, Governor’s Night, Bike for Fun 2012, Volkswagen Vintage Car Exhibit, and the much-awaited search for the Ginoo and Binibining Laguna 2012.
La Laguna – “The Lagoon” … samu’t saring bagay na may buhay at mga likas na yaman! Magkakaroon ng kasarinlan at layang pumili! Ating sagipin ang Lawa ng Laguna! Matapos isaalang-alang ang lahat, tayo pa rin ang tagapagmana ng lawa! (Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade Office/ACO, PIA4A-Laguna)
Tags:   [ La Laguna festival ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters