Tagalog news: Quarterly blood donation drive, isasagawa sa Carmona

CARMONA, Cavite, Hulyo 11 (PIA) -- Pangungunahan ng municipal health office (MHO) sa bayang ito ang quarterly blood donation drive sa Hulyo 13 simula ika-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa physical/occupational therapy clinic sa main health center.

Ang blood donation drive ay proyekto ng pamahalaang lokal na humihikayat sa publiko na magbigay ng kanilang dugo upang makatulong sa mga ibang nangangailangan nito.

Sa pagkakataong ito, naglalayong makakolekta ng may 50 bags na dugo na isasailalim sa blood matching sa Saint Luke’s Medical Center bago itago sa Cavite provincial blood bank na nasa Korean-Philippine Hospital sa Trece Martires City.

Ayon kay Dr. Homer Aguinaldo, municipal health officer ng Carmona, ang lahat ng nagbigay ng dugo ay makatatanggap ng blood donor’s card na walang expiry date. Sila rin ay maaaring magpa-check up, blood typing at blood testing sa Heaptitis B at C, Malaria, Syphilis at Human Immunodeficiency Virus (HIV) ng libre.

Bago makuhanan ng dugo, sasailalim muna sa pagsusuri ang mga interesadong donors upang malaman ang blood type at kung maaaring magbigay ng dugo. Ang donor ay dapat may edad na 18 hanggang 60 taong gulang at may timbang na hindi bababa sa 50 kilo. Dagdag pa rito, dapat may pulse rate na 60-100 bpm, blood pressure na 90-160 systolic at 60-100 diastolic at haemoglobin count na hindi bababa sa 125 gls. (CPG, PIA4A/PIO-Carmona)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters