Tagalog news: Social services ng pamahalaang lunsod, ihinatid sa kanayunan

By Carlo P. Gonzaga

Thursday 5th of July 2012
ANTIPOLO CITY, Rizal, Hulyo 5 (PIA) -- Inilunsad kamakailan ng pamahalaang lunsod ng Antipolo ang Social Services Caravan kung saan unang nakinabang ang mga residente ng bulubunduking sitio ng Apia sa Barangay Calawis.

Hatid ng caravan ang mga serbisyo mula sa city health office (CHO), city social welfare and development (CSWD), city civil registry (CCR), at city cooperative and livelihood office (CCLO).

Ang caravan ay bahagi ng NILO CARES program ni Punong Lungsod Nilo Leyble at isa sa pinakabagong programa para sa mamamayan lalo na sa mga naninirahan sa malalayong lugar, ayon kay Atty. Menchie Leyble, executive assistant for social services.

Kabilang sa mga serbisyong hatid ay ang pagkuha ng mga dokumento tulad ng birth certificate, late registration sa mga ipinanganak at sa mga nagbabalak magpakasal; libreng gupit; at pamimigay ng mga libreng school bags sa mga mag-aaral.

“Madulas man at maputik ang daan, ilog man o malayo na lugar ay hindi makakapigil sa paghatid ng serbisyo sa ating mga kababayan. Ganyan ang ibinilin sa amin ni Mayor Nilo na hangga’t kayang marating, gumawa ng paraan upang makarating sa pupuntahan. Hatid ng Social Services Caravan ang mga serbisyong nakapapaloob sa 9-Point Agenda ng ating punong lungsod,” sabi ni Atty. Leyble

Pinangunahan ni Dr. Antonio Reillo Jr. ang medical mission kasama ang ilang medical at dental specialists.

May libreng gamot din na ipinamigay sa mga pasyente ang caravan galing sa ilang pribadong kumpanya na nakilahok sa nasabing programa. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters