Tagalog news: 75 senior citizens tumanggap ng monthly pension

By Carlo P. Gonzaga

Wednesday 4th of July 2012
ANTIPOLO CITY, Rizal, Hulyo 3 (PIA) -- Nakatanggap ng kanilang P500 monthly pension ang 75 senior citizens sa Antipolo na ibinibigay quarterly sa ilalim ng programang Poor Elderly Beneficiaries of the Social Pension ng pamahalaang nasyonal.

Nagmula sa 16 barangay ng Antipolo ang mga senior citizens na nakatanggap ng tig-P3,000 para sa dalawang kwarter o Enero hanggang Hunyo 2012. Sila ay sinalang mabuti ng office of senior citizens affair (OSCA) upang malaman kung sino ang mga karapat-dapat na makatanggap.

Nadagdagan ng 16 ang mga benepisaryo na dati ay 59 lamang dahil binabaan ang kwalipikasyon sa mga maaaring kumuha nito. Ang dating 80 taon pataas ay ginawa na lamang 75 taon upang mas marami ang makinabang sa social pension.

Pinangunahan ni Precy Escalante, Department of Social Welfare and Development (DSWD) focal officer IV ng Rizal ang pagbibigay ng pension. Sinaksihan naman ito ni Nadeia Sarte, officer-in charge ng city social welfare and development office (CSWDO) kasama ni Manuel Gorobat, pinuno ng OSCA.

“Napakasaya ng ating senior citizens at natanggap nila ang quarterly pension nila. Nagpapasalamat po tayo sa programang ito ng ating Presidente PNoy at sa ating mahal na Mayor Nilo Leyble na mabigyan ng pribileheyo ang ating mga nakatatandang mamamayan sa Lungsod. Malaking bagay po ito para sa kanila, magagamit nila ito bilang pambili ng pagkain at gamot. Sana magpatuloy pa ang mga programang ito. Lagi nating isipin na mahalaga ang senior citizens sa ating mga pinuno ng bayan,” sabi ni Sarte.

Ayon kay Tim Tavera, focal person ng senior citizens, tinitingnan nila ang mga tunay na may pangangailangan kung kaya’t walang palakasan.

Sinamahan ng mga presidente ng bawat barangay ang mga pensionado sa Rizal Provincial Capitol. Naging panauhin si 1st District Board Member Ronald Barcena na nagbigay ng mensahe sa mga nakatatanda. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters