Tagalog news: Programang pang-nutrisyon sa Antipolo palalakasin

ANTIPOLO CITY, Rizal, Hulyo 3 (PIA) -- Nagpulong ang technical working group (TWG) ng Antipolo City Nutrition Council (ACNC) kung saan naging usapin ang kalagayan ng nutrisyon sa lungsod at ang mga planong gagawin upang mapababa ang malnutrisyon.

Inilahad ni City Nutrition Action Officer (CNAO) Fany Villones ang “Adoption of the Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2011-2016” na nakapaloob sa DILG Memorandum Circular No. 2011-89. Inisa-isa nito ang action plans at stratehiya na gagawin ng lungsod para bumaba ang malnutrition rate sa mga bata.

“Nais ni Mayor Nilo na masolusyunan ang problema sa malnutrisyon sa mga bata kung kaya’t tututukan pa natin at palalakasin ang mga programang pangnutrisyon bilang pagsunod narin sa direktiba ng pamahalaan. Dapat magtulung-tulong ang lahat ng ahensya hanggang sa barangay upang maipaabot ito sa mga tahanan,” sabi ni Cruz.

Ipinaliwanag ni Villones ang mga problemang hinaharap sa nutrisyon, partikular na ang kakulangan sa Barangay Nutrition Scholars (BNS) na katuwang niya sa pagsasagawa ng nutrition programs.

Hiniling din niya ang pakikipagtulungan ng mga opisina na may kinalalaman sa nutrition programs ng lungsod.

Naghahanda na rin ang pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain,” at ang pagbisita ng regional evaluators team for nutrition sa Agosto.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Elsie Castillo ng Department of Interior and Local Government, City Planning and Development Coordinator Engineer Renato Matienzo, Dr. Cornelia Vergara; city veterinary officer, Albeno Del Monte mula sa Department of Education-Antipolo, mga kinatawan ng City Agriculture Office at City Social Welfare and Development at Livelihood Office. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters