Tagalog News: Katimugang parte ng Tarlac makakaranas ng 10 oras na brownout

By Joelyn G. Baluyut

Monday 4th of June 2012
SAN FERNANDO, Pampanga, Hunyo 4 (PIA) -- Ang katimugang parte ng probinsiya ng Tarlac ay makakaranas ng 10 oras na pagkawala ng kuryente sa Huwebes, ika-7 ng Hunyo.

Ayon kay Regional Corporate Communication and Public Affairs Officer for North Luzon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Lilibeth Gaydowen, “Ang pagkawala ng kuryente ay mula 8 a.m. hanggang 6 p.m. at ang apektadong distribution utility (DU) ay ang Tarlac Electric Cooperative I (TARELCO I).”

Kanyang binanggit din na “ang pagkawala ng kuryente ay upang palitan ang wood poles at cross-arms sa pagitan ng Concepcion-Tarleco I 69kV transmission line kasabay ng pagmementina at pagpapalit ng kasalukuyang transformers sa Concepcion Substation.”

“Ang normal na operasyon ay magpapatuloy pagkatapos ng pagmementina at pinapayuhan namin ang mga customer ng NGCP na gawin ang mga kinakailangang paghahanda at pag-iingat sa nakatakdang pagkawala ng kuryente,” dagdag niya. (CLJD/JGB-PIA3)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters