Tagalog news: BFP handa sa anumang sakuna
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Mayo 17 (PIA) –- Ang Bureau of Fire Protection 3 (BFP3) ay alerto at handa sa anumang sakunang maaaring tumama sa Gitnang Luzon dahil sa kanilang kumpletong disaster response equipment na magbibigay ng emergency medical at rescue services.
Sinabi ni BFP Regional Director CSUPT Ariel Barayuga, “kasama rin sa serbisyong aming binibigay ay ang pag-eenforce ng mga iba’t-ibang mga batas na may kinalaman sa sunog at ang aktibong partisipasyon sa komunidad na kung saan nakikita sa aming misyon na ang BFP ay nangangako na protektahan at serbisyuhan ang mga mamamayan.”
Ang mga kasangkapang ito ay magagamit sa mga insidente ng pagbaha, pagsabog ng bulkan, paglindol, at pagguho ng lupa na kung saan kasama ang personal protective equipment (PPEs) at iba pang mga gamit na mapapakinabangan sa mga sakunang maaaring dumating.
Ang BFP sa kabuuan ay may 115 fire stations sa rehiyong ito, 186 fire trucks, 13 ambulansya, apat na rescue o paramedics, siyam na service vehicles, at apat na fire boats. (WLB/JGB PIA-3 Pampanga)
Number of Comments: 0