Tagalog news: Handa na ang DepEd Region 3 sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Mayo 29 (PIA) -- Handa na ang Department of Education Regional Office III (DepEd 3) para sa pagbubukas ng panibagong school year na magsisimula sa Hunyo 4.
Sinabi ni DepEd Regional Regional Director Isabelita Borres na “kami ay handa na sa bagong school year (SY) 2012-2013 at ang ahensiya namin mismo ay tinakda ang buong buwan ng Mayo bilang preparasyon sa SY na ito.”
“Sa buong nasabing buwan ay inihanda ng mga guro ang kanilang mga lesson plans, ang pag-train sa kanila para sa K to 12 basic education program, at ang Brigada Eskwela,” paliwanag ni Borres.
Dagdag pa niya na “sa ngayon, ang aming Regional Office ay bumibisita sa mga eskwelahan sa pitong probinisya ng Central Luzon, lalong lalo na at nagsimula na ang Brigada Eskwela kamakailan na may temang “National Community Involvement and Educational Initiative Week.”
Sinabi rin ni Borres na sila ay umaasang mas madaming estudyante ang mag-eenrol sa taong ito lalong lalo na sa mga public schools kung saan ang Central Luzon ay may total na 2,930 na mababang mga paaralan, at 466 na sekondaryang eskwelahan. (CLJD/JGB-PIA3)
Number of Comments: 0