Tagalog news: Sec. Alcala, bibisita sa Nueva Vizcaya

By Benjamin Moses M. Ebreo

Sunday 5th of August 2012
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Aug 5 (PIA) -- Bibisita si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala sa lalawigan sa susunod na lingo upang makipanayam sa mga magsasaka.

Ayon kay DA Regional Director Lucrecio Alviar, bibisitahin ni Alcala ang mga proyektong pang-agrikultura sa bayan ng Kayapa sa Agosto 7.

Dagdag ni Alviar na isang forum ang magaganap sa pagitan ng mga magsasaka at ni Alcala upang pag-usapan ang programang Agri-PInoy na isinusulong ng pamahalaan.

Ang bayan ng Kayapa ay isa sa mga pinagmumulan ng mga produktong gulay ng Nueva Vizcaya kung saan ito ay ipinagbibili sa Metro Manila, Baguio City, at iba pang lugar sa bansa.

Isinusulong ng Agri-Pinoy ang sistema ng makabagong paraan ng pagsasaka upang lalo pang yumabong at dumami ang ani ng mga magsasakang pinoy.

Layunin nitong pag-isahin ang mga tekonolohiya, subok at magagandang kaugalian ng mga magsasaka upang magamit ng husto ang mga lupang nakatiwangwang lamang sa mga komunidad. (BME-PIA 2, Nueva Vizcaya)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters