Tagalog news: Mga bakuna kontra dengue, maibibigay sa bansa

By Benjamin Moses M. Ebreo

Wednesday 18th of July 2012
BAGUIO CITY, Hulyo 18 (PIA) -- Magandang balita. Mayroon ng bakuna kontra sa dengue at sa 2014, makakatanggap na ang bansa ng mga bakuna o gamot laban sa dengue mula sa WHO.

Sa isang pahayag ng Cagayan Valley Regional Dengue Stakeholders Forum and Planning Workshop sa siyudad na ito, sinabi ni Dr. Eric Tayag, assistant secretary ng Department of Health (DOH) na isa ang Pilipinas sa mabibigyan ng mga bakuna na anti-dengue upang makontrol ang pagkalat ng sakit na dengue at maiwasan ang pagkamatay ng mga may sakit nito.

“Isa tayo sa mga mapalad na bansang makakatanggap ng mga gamot laban sa dengue sa darating na 2014,” pahayag ni Tayag sa mga dumalong mga delegado mula sa mga probinsiya ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino, at Batanes.

Kahit na magkakaroon ang bansa ng mga anti-dengue na bakuna, mas mabuti at epektibong paraan ng pag-iwas sa sakit na dengue ang pangangalaga sa katawan at pagpapanatiling malinis ang kapaligiran.

“Mas mabuting paraan pa rin ang personal na paggawa ng mga pamamaraan upang makaiwas sa sakit na dengue kahit may mga parating na gamot hinggil sa sakit na ito,” dagdag ni Tayag.

Hinimok pa ni Tayag ang mga health workers na pag-ibayuhin pa ang maagang pagmamanman, pagbabantay at pagbibigay ng kaukulang gamut at report upang maiwasan ang komplikasyon ng mga sintomas ng dengue sa kanilang mga komunidad.

Nag-utos din si Tayag na kinakailangang makipagtulungan ang mga mangagagwa sa kalusugan sa mga opisyal ng barangay upang mas malawak at mapalakas ang kanilang kampanya sa pagkontrol at pagpuksa sa dengue. (BME-PIA 2, Nueva Vizcaya)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters