'Handog Ngiti' project, patuloy na nagbibigay ngiti sa mga batang may bingot

LUNGSOD NG MARIKINA, Hulyo 25 (PIA) -- Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang patuloy na tagumpay ng proyektong "Handog Ngiti."

Ang Handog Ngiti ay isang proyekto na tumutulong sa mga kabataang may bingot (cleft lip o cleft palate) upang sila ay mabigyan ng libreng operasyon.

Ito ay pinangungunahan ng office of the Vice Mayor, City Health Office at Smile Train Foundation, isang international non-government organization na nagbibigay ng libreng operasyon para sa mga batang may bingot sa iba't ibang parte ng mundo.

Ayon sa pamahalaang lungsod, may 50 benepisyaryo na ang nabiyayaan ng libreng operasyon mula ng ito’y inilunsad nitong buwan ng Mayo.

Samantala, ilang piling benepisyaryo naman ang patuloy na sumasailalim sa pagsusuri at operasyon sa St. Vincent Hospital tuwing araw ng Lunes at Martes.

Para sa mga nais magpatala, maaaring makakuha ng application form sa office of the Vice Mayor, City Health Office at sa St. Vincent Hospital.

Maaari ring makipag-ugnayan sa tanggapan ng vice mayor para sa mga karagdagang katanungan sa telepono bilang (02) 645-6407. (MARIKINA-PIO/RJB/JEG-PIA NCR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters