Tagalog news: P800T nalikom sa Alay Lakad 2012
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Set 14 -- Nakalikom ng P800,000 ang katatapos lamang na Alay Lakad sa bayan ng San Jose, na nagtala ng may pinakamaraming dumalo kumpara sa mga nakaraang taon.
Ayon ito kay Chairman Fred Magbanua, over all chairman ng Alay Lakad 2012 at prinicipal ng Pedro T. Mendiola Sr. Memorial High School (PTMSMHS).
Sabi ni Magbanua, nakaplano na ang paggagamitan ng pondo.
Mula sa kinita noong nakaraang taong Alay Lakad na P794,474.50, pagsasamahin nila ito upang ipatayo ng public library cum training center na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.
Ang kalahati o kakulangan ng nasabing halaga ay tatapatan ng munisipyo ng San Jose sa pangunguna ni Mayor Jose Villarosa.
Nagbigay din ng pagkilala sa mga dumalong eskwelahan sa Alay Lakad.
Tinanghal na Most Disciplined Group ang Holy Family Academy. Most appropriate attire naman ang San Jose National High School.
Pinangaralan ng Highest Contribution Award school category ang Occidental Mindoro State College (OMSC) at First Contributor school category ang OMSC Criminology Department.
Nakuha ni Cain King Paglicawan at Jovey Magbanta ng OMSC ang title na Mr. and Ms. Alay Lakad 2012. (PRO/VND/TBO-PIA 4B/Occ Min)
Number of Comments: 0