Tagalog news: Proyektong “Libreng Sakay Tungo sa Paaralan” ipinatutupad sa Pigcawayan, N.Cotabato
LUNGSOD NG KORONADAL, Set 12 (PIA) -- Patuloy ang ipinatutupad na proyektong “Libreng Sakay Tungo sa Paaralan” sa bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato na pinangungunahan ng pinagsanib na pwersa ng militar at sibilyan sa naturang bayan.
Sa pamamagitan nito, inihahatid at nababantayan ng mga sundalo sa ilalim ng 6th Fire Artillery Battalion ang mga batang tutungo sa kani-kanilang paaralan mula sa mga malalayong sitio.
Dahil sa hakbang na ito, nasisiguro ang kaligtasan ng mga kabataan araw-araw.
Ang Libreng Sakay Tungo sa Paaralan ay ipinatupad matapos ang ilang mga pagbabanta sa seguridad sa North Cotabato dulot ng kaguluhan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Layunin nito na mapawi ang pangamba ng mga magulang at upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan lalung-lalo na ng mga kabataan sa lugar.
Humigit-kumulang isang buwan na ang nakalilipas matapos magsimula ang bakbakan ng dalawang grupo kung saan maliban sa mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao, ilang mga bayan din sa lalawigan ng North Cotabato ang naapektuhan. (DED/SJD-PIA12)
Number of Comments: 0