Tagalog news: North Cotabato namahagi ng gill nets sa mga mangingisda

By Shahana Joy E. Duerme

Friday 17th of August 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 17 (PIA) -- Namigay kamakalawa ng gill nets ang pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato sa abot 1,000 mga mangingisdang nakatira malapit sa Liguasan Marsh.

Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou Mendoza at ginanap sa provincial gymnasium.

Ayon kay Office of the Provincial Agriculturist-Fisheries Division Chief Magdalena Gasag, abot sa 33 mga barangay sa ilang mga bayan sa nasambit na lalawigan ang napagkalooban ng gill nets.

Kabilang sa mga bayan na ito ang Pikit, kung saan siyam na mga barangay ang nabigyan, 12 sa Pigcawayan, isa sa Kabacan, at isa rin sa Carmen.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na ang distribusyon ng gill nets sa mga mangingisda ay bahagi nang pangkapayapaang inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan at bilang pagtutok na rin sa pangkabuhayang kondisyon ng mga residente.

Kaugnay nito, hinimok din ng opisyal ang bawat isa na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.(DED/SJD-PIA 12/RBeñez-DXVL)












Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters