Tagalog news: Maguindanao LGU patuloy sa pag-abot ng tulong sa mga IP na apektado ng kaguluhan

By Shahana Joy E. Duerme

Wednesday 15th of August 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 15 (PIA) -- Nagpapatuloy pa rin sa pamamahagi ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao sa mga katutubong naapektuhan ng kaguluhan sa nabanggit na lalawigan.

Ilan sa mga ipinapamahagi ay ang bigas, canned goods at maging pinansyal na tulong.

Ayon kay Maguindanao Deputy Governor Samsudin Dimaukom, sentro ng kanilang tinutulungan ang mga Teduray sa itaas na bahagi ng Hill 224 sa Sitio Kyamko, Barangay Kabingi, sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Nananawagan naman si Dimaukom na wakasan na ang alitan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at tropa ng gobyerno dahil maraming pamilya na ang apektado.

Samantala, inihayag naman ni Sonny Matugas, puno ng tribo, na nangangailan pa ng dagdag na tulong ang kanilang grupo dahil sa pagdami ng mga apektadong pamilya araw-araw.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan naman ng gobernador ng Maguindanao na si Esmael Mangudadatu ang tamang bilang ng mga "internally displaced families" upang mapaglaanan ng sapat na tulong.

Nais ng gobernador na makuha ang eksaktong bilang ng mga apektadong pamilya upang maiwasan ang pananamantala sa pamimigay ng "relief goods." (SJDuerme-PIA12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters