Tagalog news: Supplemental food feeding pangungunahan ng 7th IB
LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 10 (PIA) -- Magsasagawa ng supplemental food feeding ang tropa ng Alpha Company mula sa 7th Infantry Battalion ngayong linggo sa isang liblib na lugar sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguinadanao.
Ang mangyayaring aktibidad ay gagawin sa isang eskwelahan sa Barangay Talapas sa naturang bayan.
Nabatid na aabot sa 120 na mga bata ang nag-aaral sa naturang paaralan ngunit mula sa bilang na ito, 35 lamang ang pumapasok dahil sa pagkaipit at takot ng ilan sa nakaraang kaguluhan.
Ayon kay Commanding Officer Lt. Larry Valdez, ang hakbang na ito ay isang tulong upang maengganyo ang mga kabataan na muling mag-aral.
Samantala, isang volunteer teacher naman ang nagpasalamat sa inisyatibo ng mga sundalo.
Layunin ng aktibidad na ito na humupa ang pangamba ng mga kabataan at mahikayat silang muling pumasok sa paaralan. (DED/SJD/RBeñez-DXVL-PIA12)
Number of Comments: 0