Tagalog news: Multi-disaster simulation drill isinagawa sa Maguindanao

By Shahana Joy E. Duerme

Monday 2nd of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hulyo 2 (PIA) -- Isinagawa kahapon, Hulyo 1, ang multi-disaster simulation drill sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao na pinangunahan ng mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Maliban sa mga opisyal ng ARMM, kasama din ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat maging ang ilang mga mamamayan sa nasabing bayan sa simulation drill.

Ayon kay Bureau of Public Information o BPI-ARMM information officer 2 Myrna Jo Henry, kaagapay ng Regional Disaster Risk Reduction Council ang Technical Management Staff (TMS) sa pamumuno ni TMS-ARMM Director Ramil Masukat sa pagsagawa ng naturang simulation drill.

Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang tsunami evacuation, road clearing, medical evacuation, air-launch, at sea-based rescue at marami pang iba.

Pahayag naman ni Masukat, isinagawa ang nabanggit na pagsasanay upang maihanda ang mga mamamayan sa Maguindanao sa mga maaaring tumamang kalamidad sa lalawigan.

Ang nangyaring multi-disaster simulation drill ay bahagi ng selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month na ipinagdiriwang ngayon sa ARMM. (SJD-PIA12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters