Tagalog news: Cotabato City mayor mamimigay ng mga regalo bilang bahagi ng kanyang kaarawan
LUNGSOD NG KORONADAL, June 9 (PIA) -- Namahagi ng 20 pump boats sa mga low-lying barangays sa lungsod na madalas makaranas ng mga pagbaha si Cotabato City Mayor Japal Guiani kamakailan.
Ani Guiani, ang mga pump boats ay mainam gamitin sa mga rescue operation ngayong tag-ulan.
Inihayag din ng alkalde na nakahanda nang ipamahagi ang 25 multicabs sa mga barangay na sumali sa isinagawang Waste Management Training na nangyari kamakailan.
Samantala, mamimibigay naman ng economic relief assistance si Guiani sa humigit-kumulang 1,000 LGU workers sa Cotabato City.
Nabatid na makatatanggap ng P5, 000 ang bawat regular employee at P2, 500 naman para sa mga contractual employees.
Ayon kay Guiani, ang mga handog niyang ito sa mga mamamayan ng Cotabato City ay maituturing na magandang regalo para sa kanya.
Sa mismong araw din ng kanyang kaarawan ay ibinalita din ng alkalde ang pagiging first class city ng lungsod ngayong taon mula sa pagiging third class nito noon. (SJD-PIA12)
Number of Comments: 0