Tagalog News: 17 na reading volunteers nakatanggap ng mga bisikleta

By Shahana Joy E. Duerme

Friday 25th of May 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Mayo 25 (PIA) -- Abot sa 17 na mga boluntaryo sa programang “Sarangani Big Brother: Reading is Fun!” ang nakatanggap ng mg bisikleta at iba pang mga kagamitang pang-eskwela mula sa Bikes for the Philippines (BfP) at sa kick-off program ng LBC Ronda Pilipinas kamakalawa sa capitol grounds ng Sarangani.

Sa pangunguna ni Quality Education for Sarangani Today program manager Annalie Edday, mula sa 72 na aplikante, 17 ang nabiyayaang mabigyan ng bisikleta matapos maisagawa ang isang masusing pagpili sa mga boluntaryong karapat-dapat na makatanggap ng naturang kagamitan.

Ayon kay Edday, ang mga batang boluntaryo sa nasabing reading program ay naglalakad ng abot sa tatlong kilometro araw-araw upang makapag-aral.

Dagda pa ni Edday, tumaas din ang bilang ng mga youth volunteers mula 771 noong nakaraang taon hanggang 1,533 ngayong taon.
Matatandaang nagsimula ang ganitong programa noong 2008 kung saan abot sa 680 na mga kabataan ang nagboluntaryo.

Sa kabilang banda, kanya namang inihayag na napabuti ng reading program ng probinsya ang reading and comprehension ng mga kabataan.

Ang “Sarangani Big Brother: Reading is Fun!” ay isang remedial reading program para sa mga bata sa grade 1 at grade 2 tuwing bakasyon na isinasagawa sa loob ng 15 araw upang maihanda ang mga estudyante sa susunod na pasukan.

Pangunahing layunin ng programang ito na pag-ibayuhin ang estado ng edukasyon sa probinsya ng Sarangani at hikayatin ang mga kabataan na maghandog ng dakilang serbisyo. (SJDuerme-PIA12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters