Tagalog news: DOST, mayroon nang patent information desk sa mga silid-aklatan
TAGUIG CITY, Sept. 18 (PIA) -- Ang mga mananaliksik at imbentor na naghahanap ng patent information ay maaari nang magtungo sa tatlong ahensya ng DOST na mayroon nang patent libraries.
Ayong sa kalatas, ang mga patent libraries na ito ay matatagpuan sa DOST-Technology Application and Promotion Institute at DOST-National Capital Region sa Bicutan Taguig City, at sa DOST-Technology Resource Center sa EDSA, Guadalupe, Makati City.
Nakakatulong ang mga patent library sa mga pamantasan at institusyong panaliksik upang makakuha ng patent information at magamit ang patent system.
Ayon kay DOST Secretary Mario Montejo, ang mga tulong kaalaman na ito ay magiging gabay ng mga mananaliksik at imbentor upang magamit ng husto ang kanilang resources.
Ang mga patent libraries na ito ay makatutulong din sa mga tao upang malaman kung ang isang patent ay nagamit para sa isang teknolohiya. Makikita rin dito ang impormasyon ukol sa mga bagong imbensyon at sa mga nagawa na. (DOST/RJB/JRCA/PIA-NCR)
Number of Comments: 0