Tagalog news: Paglulunsad ng mall exhibit tour, isinagawa upang ihayag ang programa ng DepEd Kto12.
LUNGSOD NG PASIG, Hulyo 24 (PIA) – Magsasagawa ng serye ng mall exhibit tour ang Kagawaran ng Edukasyon upang ihayag ang Kto12 Basic Education Curriculum Reform Program na pinamagatang “Go! Education on Great Opportunities! Education.”
Ang mall exhibit tour ay pasisinayaan sa The Block Atrium Activity Center sa SM North EDSA ngayong darating na Hulyo 27.
Umaasa si Education Secretary Brother Armin Luistro na ang interactive exhibit ay makatutulong sa pagpapalawig ng kaalaman ng publiko hinggil sa basikong kurikulum ng edukasyon sa bansa.
Ang naturang exhibit ay bubuuin ng tatlong walk-through sections. Ito ay ang Go! Teachers! Go! Kto12! at Go! Classroom!
Katuwang naman ng DepEd para sa proyektong ito ang Australian Agency for International Development (AusAID), United State Agency International Development (USAID), at Philippine Business for Education (PBED).
Kaugnay nito, iikot din ang exhibit sa mga SM mall sa Pampanga, Pangasinan, IloIlo, Cebu, at Davao. (DepEd/RJB/JRCA/PIA-NCR)
Number of Comments: 0