Tagalog news: Phl Red Cross, naka alerto kay “Butchoy”

By Jose Rafael Cesar Atencio

Saturday 16th of June 2012
LUNGSOD NG QUEZON, Hunyo 16 (PIA) -- Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa pagliligtas ng mga magiging biktima sa pagragasa ng Bagyong “Butchoy” na maaaaring tumama sa Eastern Visayas at Northern Luzon anumang oras sa linggong ito.

Ayon kay PRC Chairman Richard J. Gordon sa isang press statement na ipinadala sa PIA-NCR, nakakasa na ang kanilang disaster plan laban kay “Butchoy” (international code name Guchol).

Inatasan ni Gordon ang PRC operation center sa punong tanggapan nito sa Maynila at lahat ng chapter na apektado na magmatyag sa sitwasyon anumang oras, at ihanda ang kanilang emergency response vehicles at mga kagamitan lalo na ang mga relief supply.

Inalerto na rin ng PRC ang kanilang mga Red Cross 143 volunteers na nasa lugar na apektado.

Ang mga chapter sa mga apektadong lugar, lalo na sa Samar at Leyte sa Eastern Visayas, at Aurora province, Isabela at iba pang lalawigan sa Hilaga ay inihanda na rin ang kanilang mga Red Cross 143 volunteer, rescue team, medical team, at life-saving vehicle at kagamitan tulad ng mga rubber boat, ambulansya, at generator. (Phl Red Cross/RJB/JRCA-PIA NCR)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters