Tagalog news: PDEA, nagbabala laban sa iligal na prescription drug

QUEZON CITY, June 6 (PIA) -– Binalaan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang tiwaling medical practitioner laban sa ilegal na pagrereseta at pagbebenta ng mga ito ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang mga pasyente.

Ito ay matapos ang isang insidente sa Baguio City na kung saan sangkot ang isang doktor na mismong nakababatang kapatid nito ang nag-biyahe ng 75-ampoul ng dormicum at 79-ampoul ng nubain na kabilang sa mga ipinagbabawal na gamot.

Sa pamamagitan ng isang press release na ipinadala sa PIA-NCR, sinabi ni PDEA director general Jose Gutierrez Jr. na kasama sa kanilang binabalaan ang mga attending physicians, dentista at beterinaryo na may lehitimong S-2 na lisensya.

Aniya, ang S-2 license, na nagmumula sa tanggapan ni PDEA director Helen Maita Reyes, ang nagbibigay-otoridad sa mga duktor na mag-isyu ng reseta sa kanilang mga pasyente base na rin sa Republic Act (RA) 9165.

Dagdag pa ni Gutierrez, hindi saklaw ng S-2 license ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot o pagre-reseta ng hindi naman kailangan o nararapat para sa pasyente. (PDEA/RJB/JRCA/PIA-NCR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters