Tagalog news: 8 drug pusher huli sa Navotas

LUNGSOD QUEZON, Hunyo 6 (PIA) -– Tiklo ang walong hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang raid sa Navotas City kahapon, ayon sa isang text message mula sa pamunuan ng Lungsod na ipinadala sa PIA-NCR.

Ayon kay Jayne Banayad ng Navotas City Public Information Office (PIO), ang operasyon ay sa pakikipagtulungan ni Mayor John Rey "Toby" Tiangco sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Navotas City Police Station.

Sabi ni Banayad, nagsimula ang operasyon kaninang madaling araw at nagtapos ng tanghali. Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang mga nahuli para sa karagdagang imbestigasyon.

Kinikilala pa ng mga may kapangyarihan ang mga pangalan ng mga suspek sa naturang raid. (Navotas PIO/RJB/JRCA/PIA-NCR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters