Tagalog News: QC, handa na sa pasukan ng mga bata

By Jose Rafael Cesar Atencio

Monday 4th of June 2012
LUNGSOD NG QUEZON, Hunyo 4 (PIA) -- Handa na ang lahat para sa pagsisimula ng klase sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa lungsod ng Quezon ngayong araw, ayon sa ulat ng Division of City Schools kay QC Mayor Herbert M. Bautista.

Tiniyak ni QC Assistant Schools Division Superintendent Dr. Betty Cavo sa isang pulong kamakailan sa City Hall na inayos na ng division of city schools ang napaulat na pagsisikip ng mga silid-aralan dahil sa pagdagsa ng mga nagpapatala lalo na sa high school.

Ayon kay Cavo, ang 16 na bagong silid-aralan sa Batasan National High School na pinondohan ng pambansang pamahalaan ay handa nang gamitin ngayong araw na ito. Tinatayang 3,000 mag-aaral ang makikinabang dito.

Dagdag pa ni Cavo, ang Batasan National High School, Commonwealth High School, Holy Spirit National High School, Justice Cecilia Munoz Palma High School, at Judge Feliciano Belmonte Jr. High School ay handa nang pormal na ipatupad ang K plus 12, alternative delivery modalities o intervention program tulad ng open high school program, home study program, at alternative learning system, na nirerokemenda ng Department of Education (DepEd). (RJB/JRCA-PIA-NCR, QC PAISO)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters