Tagalog news: Mga Pinoy, namangha sa solar eclipse

LUNGSOD NG QUEZON, May 21 (PIA) -- Libu-libong Pilipino, lalo na na ang mga taga-Metro Manila, ang humanga sa nasaksihan nilang partial solar eclipse ngayong Lunes ng umaga.

Sa Novaliches, Quezon City, karamihan sa mga residente ay kagigising lamang at inakala nilang gabi pa nang naganap ang eclipse.

“Ayun, o !” sabay turo ng mga residente ng Barangay Sauyo sa buwan na halos takpan ang araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang eclipse ay nagsimula 4:59 ng umaga sa Maynila.

Sabi pa ng mga PAGASA astronomer natapos ang solar eclipse dakong 7 ng umaga. (/RJB/JCA/PAGASA-DOST-PIA-NCR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters