Tagalog news: Kaalaman sa pamimigay ng lupain sa Hacienda Luisita, sisimulan ng DAR para sa mga benepisyaryo

QUEZON CITY, May 18 (PIA) –- Nakatakdang simulan ngayong araw ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga benepisyaryo ng Hacienda Luisita para sa pamimigay ng lupain sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa pamunuan ng DAR, higit sa 120 kawani nito mula sa punong tanggapan nito sa Quezon City at mga sangay sa buong bansa ang gagayak sa 10 barangay na sumasakop sa Hacienda Luisita na matatagpuan sa Concepcion, Tarlac.

Ito‎ upang makipag-ugnayan ang mga kawani ng DAR at maipaabot ang sa mga manggagawang magsasaka kung ano ang mga rekwisito para sa pamimigay ng lupang pansakahan.

Mamimigay ang mga kawani ng DAR ng mga de-numerong tiket na kung saan nakalagay ang petsa, oras at lugar kung saan makikapag-ugnayan ang mga manggagawang magsasaka sa naturang kawanihan.

Ayon kay DAR Secretary Virgilio delos Reyes, ang unang hakbang na gagawin nila ay pagkilala, pagsala at pagpapatunay sa mga magsasaka na kwalipikado na mag-ari ng lupa sa Hacienda Luisita alinsunod sa pasiya ng Korte Suprema.

Sabi pa ni Delos Reyes, ang kanilang pakikipagpanayam sa mga posibleng benepisaryo ay naaayon sa pag grupo grupo. Ito’y base sa modelo appointment schedule na ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag proseso ng pagkuha ng pasaporte.

Ipinaliwanag ni Delos Reyes na itoý upang maiwasan ang mahabang pila at aberya. (DAR-Hugo Yonzon III/PIA-NCR/RJB/JRCA)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters